Total Pageviews

Showing posts with label ng. Show all posts
Showing posts with label ng. Show all posts

Sunday, May 4, 2008

BOOK REVIEW | Isang Pagkukuro sa "Sagot Ng Espanya sa Hibik Ng Filipinas (Pilipinas)"

Isang pagkukuro sa "Sagot Nang Espanya sa Hibik Ng Filipinas (Pilipinas)" 

ni Marcelo Hilario del Pilar


Ang tulang “Sagot Nang Espanya sa Hibik Nang Filipinas” ay masasabi nating isang mahabang pagtuligsa sa pang-aabuso ng mga prayle at Kastila sa mga Pilipino noong mga kapanahunan ni Marcelo H. del Pilar. Kilala naman natin si del Pilar bilang isang magaling na abogado, ,manunulat at naging patnugot din siya ng pahayagan ng mga propagandista noon, ang La Solidaridad. At dahil likas sa kanya ang angking talino sa iba’t ibang larangan, naging mahusay siya sa panunudyo o panunuya sa kasamaan ng mga prayle sa Pilipinas.