 |
| Noon ang Dalahican ay madalas maging pasyalan ng mga taga Lucena at kalapit bayan lalo na pag may okasyon o araw ng Linggo ng pagka-buhay. Sagana ang dalampasigan sa matatayog na puno ng niyog habang ang baybayin ay tigib ng mga kabibe at "star-fish". Maaaninag din sa linaw ng tubig ang buhangin. Di man puti ang buhangin sa Dalahican, naging tanyag din naman ito at naging bahagi pa ng pelikula noon ni Fernando Poe Sr. kung saan ginawa ang ilang parte ng pelikulang "Zamboanga". |
Kasaysayan Ng Dalahican
Ayon sa mapagkakatiwalaang impormasyon, and lugar na ito (Dalahican) ay tumutubong isla sa pagitan ng dagat at Lalao. Ang Lalao ay isang lugar na malalim ang lupa na may mga tubig. Mga buhangin dala ng malalakas na alon mula sa dagat ang natambak din dito na sa katagalan ay naging isla at tinubuan ng iba't ibang klase ng halaman at punong kahoy na siya namang ginawang tirahan ng iba't ibang klase ng ibon at hayop tulad ng baboy damo, usa at iba pa.